Kabanata 14
Matapos naming kumain, bumalik kami sa suite. Plano ko sanang mamasyal kahit sa kalapit lang nitong hotel pero after seeing Magnus, nawalan ako ng gana. Alaric got busy with lots of calls. Base sa mga naririnig kung usapan nila, may ka–deal siyang
businessman dito.
Nagkulong ako sa kwarto. Kahit anong pigil ko, hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil sa pagkakita sa ex ko.
Magnus is a family friend. Malapit ang pamilya ko sa pamilya niya. They have business just like ours before… cargo company. Kahit pareho ng business ang lolo ko sa kanila hindi iyon naging hadlang para maging magkaibigan ang pamilya ko sa pamilya
nila.
I was so close with him and he takes care of me simula pa noong bata kami. Kaya hindi ko kailanman naramdaman na mahirap kami dahil palaging nandyan sa tabi ko si Magnus. If I needed money, he wouldn’t think twice to give me. If papa needs help, Magnus‘ parents are there to help.
Kaya lang ay hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala. I don’t know anything I did for them to hate us. Bigla nalang na isang araw, hindi ko macontact si Magnus. Tapos si papa ay manghihiram sana ng pera sa papa ni Magnus pero hindi din macontact. Hanggang sa nawala nalang ang connect namin sa kanila.
Magnus then contacted me. Gusto niyang makipagkita. I was so happy kasi ang tagal kong hindi siya naka–usap. Hindi siya nagrereply sa text ko, kahit tawag ay hindi niya sinasagot. Kaya masaya ako ng makikipagkita siya kasi kailangan ko din ng tulong niya dahil may babayaran ako sa paaralan.
“Let’s break up, Seraphina,” matigas niyang sinabi.
Napaawang ang labi ko. Ang kanina na ngiti ko dahil sa wakas ay nakita ko din siya ay biglang naglaho.
“Huh? B… Bakit? May problema ba? Are you okay?” sunod–sunod kong tanong.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulong gulo ako. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako kaya siya nakikipag break.
Wala naman. Okay naman kami.
“Oh please… I don’t love you anymore. That’s just it,” walang gana niyang sinabi.
Agad nangilid ang luha sa mata ko. “Magnus, may nagawa ba ako? O si papa?” tanong ko. Kasi galing akong bahay at malungkot
si papa dahil hindi daw siya sinasagot ng papa niya.
He sighed. Tumitig siya sa akin. Kalaunan ay umiwas din ng tingin.
“I don’t know about papa. I just know I have to break up with you, I don’t love anymore…”
Hearing it twice finally made it even more lethal. Agad nagsihulug ang luha ko. Hindi ko matanggap, How could he say he doesn’t
love me? Ganon kadali?
“Magnus, please… ” may kumawalang hikbi sa akin. “Bakit ganito? Bakit biglaan? Okay naman tayo, diba?” nanliliit kong sinabi.
1/2
I couldn’t clearly see him. Punong puno ng luha ang mata ko. Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko pero wala ring silbi kasi
nag–uunahan sila.
“Tell me honestly, may nagawa ba ako?” tanong ko. Kasi hindi ko maintindihan. Hindi ko matanggap. Bakit ganito?
“Seraphina, I don’t have time for drama! Wala kang nagawa. I just don’t love you anymore!” frustrated niyang sinabi.
He didn’t even spare for a moment. Iniwan niya ako habang umiiyak mag–isa.
Sa pagkawala ng malapit naming kaibigan, doon namin lubos naramdaman kung gaano pala kami kahirap. Kasi wala kaming
matakbuhan. Wala na yong pamilya na palaging nandyan kapag nangangailangan kami. (1)
It was sad and heartbreaking. I tried very hard to move on kasi kallangan. Ako ang malapit ng gumraduate non kaya kailangan kong maging matatag para makatulong sa parents ko. There were times when I couldn’t take it anymore na kailangan kong umiyak, pero pagkatapos ay kailangan ulit bumangon.
Looking back, because of too much financial issues, hindi ko nagawang mag move on sa tamang proseso. Kaya siguro nasasaktan
ako ngayon.
Pinunasan ko ang luha na pilit kumakawala. Nakaharap ako sa salamin dito sa bathroom ng kwarto ko.
“Dang it, Seraphina! Ang tagal na niyan… Iniiyakan mo pa?” sermon ko sa sarili ko sa salamin.
“Yeah, it’s hard when he is gone but nagawa mo parin. Kita mong hindi kana takot ng mawalan ng trabaho diba?”
Tumango ako. Pilit na pinapatahan ang sarili. Of all places na pwede kaming magkita, dito pa?
Umirap ako sa sarili. “God, pwede naman na hindi na kami magkita. Bakit pa? I don’t wanna see him anymore. Kung ganito rin
naman, huwag nalang!” (1
I tried to console myself hanggang sa nakatulugan ko ang sama ng loob.
P