Kabanata 26
Mabilis na natapos ang araw namin sa Italy. Nakapag pasyal naman ako kahit papaano. Hindi lang huli ang pagsha–shopping namin. I also went to different places with Alaric. Yong bilin ni Serenity ay ginawa ko din dahil hindi niya ako tinatantanan
kakachat asking for pictures.
Serenity:
Ang tagal mo na dyan sa Italy at wala ka pang nase–send na picture! Ano na Sisss???
Serenity:
Huwag kang madamot! Picture lang naman ehh!
These are some of her few chats when I didn’t send pictures of the places I went to. Kaya nang marindi ako ay pinagse–send ko
- na. Akala mo naman ay siya ang nakapunta ng Italy noh!
I also supervise the work online. Sina Sara ang pumupunta o komo–contact ng mga kailangang kausapin tungkol sa magaganap na charity. And after what happened between me and Alaric, hindi na siya palaging galit sa akin. I don’t know if it’s because of the
sexual intimate that almost happened to us or if he has another reason to be kind but nonetheless, I am okay with it. D
I wrinkled my nose because of annoyance. Tina–try kong isara ang maleta ko pero hindi siya masara. Pinagsisiksikan ko kasi
lahat ng mga dala kong gamit kasama ng mga pinag shopping ko sa lisang dala kong maleta at hindi sila nagkasya.
Dang it! Paano ito?
Tumayo ako at inupuan ang maleta para subukang isara ulit pero ayaw niya paring maglapat! Pinagpapawisan na ako dahil
kanina ko pa tina–try na magkasya ang lahat ng damit ko dito! I don’t want to leave any clothes here!
“Ughhh! This is so annoying!” wala sa sariling sinabi ko.
Babalik na kami bukas ng Pilipinas kaya nag iimpake na ako. Pero hindi ko inaasahan na hindi pala ito magkakasya!
I bit my lower lip at saka bumaling sa pintuan ko. I know Alaric is in his room. Matapos naming mag breakfast sa baba ay
dumeretso siya sa kwarto niya. Surely kung may pupuntahan siya ay bubukas ang pintuan ko dahil isasama niya ako. He didn’t go out without me kaya sure akong nasa kwarto pa siya.
Nagpasya akong lumabas at pumunta sa kwarto niya. I knocked trice pero wala akong narinig na nagsalita. Pinihit ko ang door
handle at bahagyang nanlaki ang mata ng mapagtantong bukas ang pintuan. Mahina ko iyong binuksan. Nang nagkasya ang ulo
ko ay sumilip ako sa loob. I didn’t see him inside though. Pero naririnig kong may umaagos na tubig sa bathroom niya.
Pumasok ako ng hindi ko siya nakita. This is my first time entering his room. Palagi kasing siya ang pumapasok sa room ko. The
structure of the room is the same as mine. Though his bed sheets are all black. The curtain and other designs are in black and white shade. Very much like him. Very manly and mysterious.
Agad akong umupo sa kama niya ng marating ko yon. It was soft and it smelled like him. Nakapatong ang cellphone niya sa side
1/3
+30 Bonus
table. Wala naman sa plano ko ang tingnan yon, pero nagkataon lang na nakatingin ako doon ng bigla itong umilaw. I read the
message it received.
Analise:
When are you going back?
And there is another message after I read the first message.
Analise:
I missed you. Umuwi kana baabbyyy….
I immediately gasped. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Bigla din akong nanlamig. Maybe because of being nosy on his
phone or maybe because I don’t like what I just read.
Agad akong tumayo ng marinig kong bumukas ang pintuan ng bathroom niya. He went out with just a towel on his lower body.
Kita ko ang pagkagulat niya ng makita niya ako sa loob. Nag–iwas ako ng tingin sa kanya. Nag–iinit ang mata dahil sa biglang
maraming nararamdaman.
Meron pala siyang babae? Tapos ginagawa niya sa akin ang ganon kahit may babae naman pala siya? How pathetic! Siguro
niloloko niya talaga ako. Na hindi naman talaga siya tumigil sa pagmamalupit niya, Only this time, he wanted to hurt me
emotionally as if he didn’t hurt me emotionally when he insulted me over and over again!
“Why are you here?” tanong niya after a few moments of him being shocked I was inside.
Pumikit ako ng mariin para mawala ang pamumuo ng luha sa mata ko. How pathetic of me! Umasa ako na baka may nararamdaman siya kasi bakit naman niya ako palaging hinahalikan diba? I guess I was wrong. Baka nga tinatawanan niya pa ako
dahil ang easy ko sigurong nakukuha.
I cleared my throat. “Nothing” Humakbang ako paalis. “Aalis na ako. I just want to see your room kaya ako nandito,” kunwari ay
wala akong pakialam.
I heard him sigh. Pero hindi ako huminto. I need to get out of the room. Nanliliit ang tingin ko sa sarili ko. Did I just read him wrong? Na wala naman talaga siyang gusto sa akin. Guni guni ko lang ba ang lahat ng nakikita ko?
“Seraphina!” he called when I was about to open his door. Nahinto ang kamay ko sa pagpihit ng pintuan.
I gritted my teeth and forced myself to look at him.
Nakakunot ang noo niya. He was scowling at me and he seemed pissed!
“Come here,” utos niya. He didn’t even bother wearing a t–shirt. May tumutulo pang kaunting tubig galing sa basa niyang buhok.
I shook my head and blinked several times to stop myself from crying.
Nandilim ang mata niya ng hindi ako sumunod. Itinaas niya ang kamay niya at saka ako sininyasan na lumapit sa kanya.