Kabanata 27
Hindi ko alam ano ang ikinagagalit niya. Ako itong dapat magalit dahil sa nabasa kong text galing sa Analise niya tapos bigla
siyang magagalit ngayon?
“Gusto ko sana na magtanong kung may extra kang maleta kasi hindi na kasya ang mga gamit ko sa maleta ko.”
“Come here, Seraphina,” madilim niyang sinabi.
I shifted weight. Galit ako dahil sa nabasa. Pero alam ko din na wala naman akong karapatan dahil hindi ko naman siya boyfriend!
“Meron ka bang extra na maleta?” pag–iba ko sa usapan. Ayaw kong lumapit. Bakit pa? May baby naman palang naghihintay sa
kanya!
He sighed annoyingly. Siya na ang naglakad papalapit sa akin. Gusto kong umalis na pero kinabahan ako sa pagtitig niya sa akin.
“What is it?” mahina niyang tanong. Nananatya siya dahil baka nahalata niyang hindi ako okay.
Nag–iwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin. Ang pangit naman na sabihin na galit ako dahil nalaman ko na may baby na pala siya! The heck! Baka kapag totoong niloloko niya lang ako ay tawanan niya ako. Baka isumbat sa akin na wala naman kami kaya bakit ako nagagalit? Wala naman akong karapatan. I did this to myself kaya there’s only myself to blame.
“Wala… naghahanap lang ako ng extra na maleta o kahit bag nalang…” sinabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
Hinawakan niya ang baba ko at saka ako pinatingin sa mata niya. Madilim pa rin yon at nagtatanong kung bakit ako ganito.
“I’ll buy you a luggage.”
Naramdaman kong kumurba pababa ang sulok ng labi ko, senyales na naiiyak ako. Pero pinigilan ko pa rin. Wala naman kasi akong karapatan. Kaya lang ay oo, wala naman akong karapatan pero umasa ako. Hindi ko napigilan. Kasi ang maalaga niya this past few days. Simula noong sinabi kong wala naman kami ni Magnus ay nag–iba siya. It’s as if he was jealous before and now that he got to know that Magnus is just a friend, napanatag siya. Kaya hindi ko naiwasan na umasa na baka gusto niya talaga ako.
I cleared my throat. “Pero kung wala kang extra, huwag mo na akong ibili. Wala akong pera.”
Umatras ako. Tatalikod na sana para lumabas pero hindi ko nagawa. Bigla akong napasandal sa pintuan nang bahagya niya akong itinulak doon. He put his two hands above my head, trapping me. Nakatungo siya sa akin dahil mas matangkad siya sa akin.
“Do not tell me you just need extra luggage. You are annoyed.” Tumaas ang kilay niya. “What is it, Seraphina… and don’t make
me ask you again,” banta niya.
Nanginig ang labi ko. Ayaw kong sabihin. Paano kung babae niya iyon?
Dang it! Ano ba tong iniisip ko? Babae talaga niya yon. Naka save ang contact. Imposibleng hindi. Wala namang babae na magte-
text ng baby kong hindi naman siya jowa
1/3
Kabanata
+30 Bonus
“Nag text kasi ang kapatid ko. May problema lang sa bahay kaya hindi ko napigilan na medyo magalit at mag–alala. Palagi nalang kasi kaming may problema financially. Nakakapagod din minsan…” naluluha kong palusot.
Naramdaman kong may tumutulong luha sa mata ko. Hindi na napigilan
I don’t think I will tell the real reason why I am crying. Ayokong pagtawanan niya ako. Wala naman kasi kaming label. Wala akong
karapatan.
I heard him sigh. Tumingala ako sa kanya at nakita kong medyo kunot ang noo niya. But looking at his eyes, nakitaan ko ito ng pagsisisi. Na para bang kasalanan niyang palagi kaming may problema sa pera kaya nagu–guilty siya.
“I need to rest. I’m tired,” mahina kong sinabi.
“Okay. I’ll get you your luggage. Take a nap. I’ll pack your clothes after getting your luggage.” Lininis niya ang luhang pumatak galing sa mata ko.
Agad akong lumabas. Paglabas ko ay pumatak ulit ang luha sa mata ko. Nakakainis! Bakit ba siya gumaganon pero may babae naman siyang naghihintay? Is this one of his plays? Does it make him happy playing with my feelings?
Pagbalik ko sa kwarto ko ay agad akong nagtaklob ng kumot at umiyak. I don’t know how long. Basta nakatulugan ko lang ang
pag–iyak. Ni hindi ko na naramdaman ang pag–impaki niya ng gamit ko. Gumising lang ako para kumain at natulog ulit. Kasi ayaw kong gising dahil iiyak lang ako.
Kinabukasan, agad akong nagising at nag–ayos. Tatlong oras pa bago ang punta namin sa airport ay tapos na ako. Nauna akong
kumain at nagtrabaho sa sala habang hinihintay ko siya.
“Let’s cat…” aya sa akin ni Alaric ng bumaba siya. Nagla–laptop ako at nagtatrabaho.
Hindi ko siya binalingan ng tingin. “Kumain na ako. Nagutom ako kasi hindi ako nakapag dinner.” Itinaas ko pa ang kape ko para makita niyang tapos na talaga akong kumain.
“Okay. I’ll just have my breakfast.”
Hindi na ako kumibo at itinoon ang attention sa ginagawa ko. Akala ko ay bumaba siya at doon kumain sa lobby. Pero nagpa- room service pala siya.
I gritted my teeth when he sat in front of me with his breakfast.
“I got you dessert.”
Nilapag niya ang dessert na kinuha niya para sa akin malapit sa kape ko.
“Thanks…” sabi ko, hindi na binalingan ang dessert na kinuha niya sa akin.
Matapos niyang kumain at nang medyo napagtanto kong malapit na kaming umaliis ay niligpit ko ang mga gamit ko. I tried to be occupied para hindi ako mabakante at para hindi na siya kailangang kausapin kasi busy naman ako. It works. Hindi ko na siya binabalingan ng tingin. Naging busy naman din siya sa pag aasikaso ng pag–alis namin. K
2/3
kaborojo
We ride a private jet pabalik ng Pilipinas. Kaya hindi kami nagtagal sa airport.
“Are you okay? You can sleep if you’re not feeling good…” alu niya sa akin.
I shook my head. “Mamaya. Magtatrabaho ako ngayon tapos matutulog mamaya.”
Nagtagal ang mata niya sa akin. Medyo nagagalit na dahil sa inaasta ko.
+30 Bonus
Nag–iwas ako ng tingin. “I really want to go back. Malala kasi ang problema ng pamilya ko.” I have so remind him again that I have a family problem para hindi na siya magtanong kung ano ano.
Hindi ako nagtagal na nagtrabaho at iniwan ko din siya kalaunan. Natulog ako dahil sa sama ng loob. Kahit anong isip ko na baka hindi naman niya girlfriend ang Analise na iyon pero hindi ko makumbinsi ang sarili ko. She called him baby. She misses him.
Sino ba ang niloloko ko?
Alaric tried to lighten my mood by trying to talk to me. Kaya lang ay palagi akong may ginagawa kaya napipilitan siyang tumahimik. It’s obvious from my gesture that I don’t want to talk. The flight took hours pero nagawa kong hindi na siya kibuin.
“Sa kumpanya na ako bababa. May kukunin lang ako kay Sara bago sana ako uuwi…” palusot ko ng dumating kami. Gusto niya
akong ihatid at ayaw ko.
Alaric sighed, pissed. “I’m taking you home, Seraphina. You get it tomorrow…”
Nagtiim bagang ako at tumingin sa labas. Ramdam ko na ang inis niya din sa akin. Pero binabalewala ko na. Not when I know
whoever this Analise ay kikitain niya ngayon na bumalik na kami! 2