Kabanata 8
Pinatay ko ang tawag matapos kong sagot–sagutin ang boss ko. Kaya lang makaraan ang ilang minuto, medyo kinabahan ako matapos kong ma–realize kung bakit ko ginawa ‘yon. Boss ko siya pero he’s also a CEO! Makapangyarihan ang pamilya!
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at saka sumigaw.
“Baliw ka ba, Seraphina? Gagaya ka pa sa lolo mo!” sermon ko sa sarili. “Kaya tayo mahirap ay dahil nakipag–away ang lolo mo
sa isang maimpluwensyang pamilya!”
Sumigaw ulit ako dahil sa mga napag tanto. Gaga! Baka hindi lang ako masibak sa trabaho. Baka pahirapan pati ang pamilya ko!
Hindi na ako bumalik sa pagtulog. Nilamon ako ng sobrang pag–iisip. I walked back and forth inside my room.
“Putang ina! Bakit ko ginawa ‘yon?” Kinagat ko ang kuko ko sa index finger dahil sa stress. “May pinagmanahan ako…. si lolo na
nakipag away sa mayamang angkan kaya mahirap kami ngayon… at baka mas maging mahirap pa kami sa daga dahil sa ginawa
ko!!!
Sumigaw ulit ako sa frustration.
Inabot ako ng tanghalian sa kakaisip sa ginawa ko. Kumakain ako sa kusina at yon pa rin ang laman ng isip ko. Hindi ko tuloy
malasahan nang mabuti ang kinakain ko.
Susubo sana ako ng biglang sumagi bigla sa isip ko yong dalawang beses niyang paghalik sa akin. Kaya imbes na sumubo, binitawan ko ang kutsara ko. Sinabunutanarili at saka sumigaw. Mabuti nalang at wala akong kasama sa bahay dahil
ko ang
makikita nila akong parang baliw dito. 1
Kalaunan ay umupo ako ng tuwid ng may naisip. Baka kaya niya ako hinalikan ay dahil gusto niya ako? Kasi bakit siya
manghahalik kung hindi diba? Ano yon, parte ng galit niya ang halikan ako? May ganon?
“Okay lang yan Seraphina. Baka sisisantihin ka lang at hindi naman papahirapan pati ang pamilya mo. Gusto ka non. And besides,
mahirap na kayo kaya hindi na niya yon iisipin.”
Nakalimutan ko ang pag–iisip sa ginawa ko nang weekends dahil bumisita kami sa Tito ko. May inalok siyang trabaho kay Papa
kaya sinamahan namin si Papa. Para narin makabisita. T
Umiinom ako ng juice pero yon tenga ko ay nakikibalita sa usapan nina Tito at Papa.
““I dont think your contract is the reason why you were fired. Kagagawan to ng mga taong yon,” bintang ni Tito. Alam kong ang mini–mean niya ay yong nakaaway namin na mayamang pamilya. Nakakainis lang na puro sila taong yon… taong yon. Hindi nila binabanggit anong pamilya ba yan! Natapos nalang ang usapan nila at hindi ko pa rin alam anong pamilya ba ang tinutukoy nila.
Kabado ako nang pumasok ako sa opisina. Hindi sana ako kakabahan pero dahil sa mga sinabi ko sa boss ko noong tumawag siya, heto at kumakalabog ang puso ko. I didn’t know where he got my number. Bakit niya pa kasi kinuha?
Palapit pa lang ako sa table ko ay kinakawayan na ako ni Sara.
“May pinabasabi si sir Ferrer,” balita niya. Hindi pa ako nakakaupo.
Nanlaki ang mata ko at tumitig sa kanya. “Ano?” kabado kong tanong.
+30 Bonus
“Pinapasabi niya na mag–report ka daw sa kanya. He was waiting for your report last Thursday pa,” she said while processing something on her laptop. Pansin ko na busy siya. Hindi lang siya, pati ang iba. Dati ay may time pa silang mag–usap usap sa umaga pero ngayon ay ang aga nilang nagtatrabaho.
Kinabahan ako. Uupo na sana ako ng balingan ako ni Sara.
“ASAP daw, Seraphina. He is already inside his office. Baka magalit yon kung hindi kapa pumunta,” sinabi niya na may halong pag–aalala sa boses. T
I shifted weight. Hindi pa ako umuupo. Gusto kong kausapin si Sara kung galit ba ang boss ko pero bumalik na siya sa ginagawa
niya
Wala akong choice kaya pumunta ako sa opisina ni sir. Tang ina! Ano ang ere–report ko? Hindi nga ako pumasok ng halos isang linggo!
Agad nagtama ang mata namin ni Alaric ng buksan ko ang pintuan ng opisina niya. He was about to put his coffee on his coffee table. He immediately raised a brow when he saw me. Bahagya ding tumaas ang sulok ng labi niya.
Kabado akong pumasok sa loob kahit hindi ko alam ano ba ang ere–report ko. Heck! I was absent for almost a week and he
expected me to report?
Humalukiplap siya at sumandal sa table niya. He was wearing a black slack and a black button down shirt at naka tupi sa bandang
siko ang mga manggas non. He looked at me menacingly like I did something wrong
Nakalunok ako sa kaba. “Pinapatawag niyo daw po ako, sir?”
He didn’t say a thing. Mariin lang ang titig sa akin. (1)
“Sir, I was not feeling well the past week kaya halos hindi ako nakakapasok,” palusot ko.
He chuckled. “Really? Ms. Salazar? You didn’t sound sick the last time I called you.”
I shifted weight. I don’t like him calling me Ms. Salazar. Masama ang feeling ko kapag ganon niya ako tinatawag.
“Sir, I was drunk when you called me. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi ko…” sabi ko dahil wala akong maisip.
V
“So, you are sick but you still managed to drink alcohol?” nanunuya niyang sinabi.
Irita ko siyang tinignan.
He raised a brow when he saw me glaring at him.
“I could fire you with your poor performance,” pagbabanta niya.
Talaga ba? Ako pa ang mag–resign eh!
11
Inirapan ko siya. “Ano ba ang pakialam mo sa buhay ko, sir?”
Immediately he let out a chuckle.